Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 bodyguard nagka-COVID: Kris nanganib ulit sa coronavirus

0 224

Sa ikalawang pagkakataon, nalagay sa peligro nang pagkakahawa sa COVID-19 si Kris Aquino, pati na ang dalawa niyang anak, at ang mga kasama niya sa bahay, o ang kanyang team.

Dalawa sa driver bodyguard ni Kris ay nagpositibo sa coronavirus, pati na ang isa niyang staff, base sa IG TV post niya.

Nakahiwalay raw ang mga staff ni Kris ng tirahan at ang isa naman ay isolated na sa sarili nitong bahay.

Pero, nag-negative naman daw sina Kris at ang kanyang mga anak sa swab test at anti-gen test, pati na ang ibang member ng kanyang team.

Para makasigurong COVID free silang lahat, sasalang uli sa swab test sina Kris at lahat ng mga taong kasama niya sa tinitirhan na condo.

May alat talaga si Kris sa pagbabalik sa telebisyon, partikular na sa TV5.

Kanselado ang dapat sana ay guesting niya sa “Bawal na Game Show” nina Paolo Ballesteros at Wally Bayola, dahil nga sa nangyari.

Magpu-promote sana si Kris para sa bagong endorsements niya.

Matatandaang naurot ang talk show ni Kris sa TV5, at balitang si Korina Sanchez ang ipinalit. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.