Una sa Balita

2 binatilyo tiklo sa marijuana

0 344

KALABOSO ang dalawang estud­yante sa Sablayan, Occidental Mindo­ro matapos mabilhan ng dalawang plastic sachet na may lamang marijuana­ sa isang buy-bust operation, kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. Socrates Faltado ang mga suspek na sina Marc Joey Orlino Ladao at Jomari Graganta Mapili, parehong 19-taong gulang at resi­dente ng bayan ng Magsaysay.

Ayon kay Faltado, nahuli ang dalawa sa kahabaan ng national highway sa Sitio Panduhan, Brgy. Poblacion sa bayan ng Sablayan.

Nabilhan ng pinagsamang puwersa ng Occidental Mindoro Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sina Ladao at Mapili ng P1,000 halaga ng marijuana.

Agad na dinakip ang mga suspek at sa pag-inspeksyon sa isang bag na dala ng suspek na si Mapili, nakuha sa loob ng bag ang 38 piraso pang plastic sachet na may lamang marijuana.

Ayon sa pulisya, dumayo pa ng Sablayan ang dalawang suspek para doon magsagawa ng transaksiyon sa nagpanggap na buyer.

Nakakulong na ngayon ang dalawa sa Sablayan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002. (Paul ­Jaysent Fos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy