Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 binatilyo, 20 pa tulak kinalawit sa Cavite

0 527

Kalaboso ng pulisya ang 22 katao, kabilang ang dalawang 16-anyos na binatilyo sa ginawang buy-bust sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Hawak na ng Bacoor City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang menor de edad na taga-Bacoor City habang idineratso sa kulungan ang 20 iba pa.

Sa kabila ng ipinapairal na curfew partikular sa mga kabataan, nagawa pang lumabas ng bahay sina Jake at Joshua, alas-nuebe ng gabi at nakipagtransaksiyon sa poseur buyer sa Brgy. Cabulusan, Zapote 1 na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto. Narekober sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Sa ulat ng Cavite Provincial Police alas-otso kamakalawa ng umaga hanggang alas-11:50 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa probinsya. Sa kabuuan ng operasyon, nanguna ang Cavite City sa bilang ng mga nahuli na 7; sumunod ang Tanza, 4; tig-2 naman ang Indang, General Mariano Alvarez, Bacoor City at Dasmariñas City; habang tig-1 naman ang Imus City, Gen Trias City at Naic.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.