Una sa Balita

2 bigtime pusher todas, ₱14.6M shabu nasamsam

By
0 763

PATAY ang dalawang bigtime na tulak ng iligal na droga matapos ang isinagawang anti-illegal drug operation ng Cebu Provincial Police Office (PPO) kamaka­lawa nang gabi sa ba­yan ng Balamban.

Ayon kay Sr. Insp. Alejandro Batobalonos, team leader ng Provincial Drug Enforcement Unit, nasamsam nila sa napatay na mga suspek na sina Quezar Bacaltos, 42, at Don Sevilla San Diego, pa­wang residente ng Talisay City, Cebu, ang mahigit sa dala­wang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14.6 mil­yon.

Napag-alaman na naganap ang operasyon dakong alas-11:15 nang gabi sa kahabaan ng national road sakop ng Barangay Prenza ng nabatid na bayan kung saan isang police poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mga suspek at kumuha sa mga ito ng shabu.

Subalit, nahalata ng mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal dahilan upang bumunot ng baril ang mga ito at makipagbarilan sa mga aarestong awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis dahilan upang masapol ang dalawang suspek na agad dinala sa Balamban District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy