Una sa Balita

2 big time marijuana supplier buking sa socmed

By
0 740

Kulungan ang bagsak ng dalawang big time supplier ng marijuana matapos mabu­king nang i-post sa social media ang bulgar nilang pagsinghot ng marijuana na nag-viral pa, kamakalawa nang hapon sa Pasig City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director SSupt. Bernabe Balba, nagsagawa ng surveillance ang mga tauhan ng Eastern Police District Intelligence (DIU) at Special Operations Unit (DSOU) sa pangunguna ni Supt. Hendrix Mangaldan, kaugnay sa nabuking na larawan na ipinost sa Facebook page ng EPD ng isang concerned citizen na may grupo ng kabataan na nagbebenta at gumagamit ng marijuana.

Agad na ikinasa ang follow-up at buy-bust operation bandang alas-3:30 kamakalawa nang hapon sa Barangay Pinagbuhatan at naaresto ang kilalang supplier ng marijuana na si Patrick John Magalona y Salazar, 20-an­yos, residente ng 8148 Block 4, Mahogany St., Pinalad, Barangay Pinagbuhatan.

Nakumpiska mula kay Magalona ang mahigit P60,000 halaga ng tuyong dahon ng marijuana
Agad namang sinundan ang follow-up at buy-bust operation bandang alas-kuwatro kamakalawa nang hapon sa Barangay Palatiw na kung saan ay naaresto si Anselle Rivera, 25-anyos, residente ng 145 MH Del Pilar St., Barangay Palatiw at kilalang big time dealer ng high grade marijuana na mula pa sa Mountain Province.

Nakumpiska mula kay Rivera ang mahigit limang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P500,000.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa sec 5 and 11 ng RA 9165 ang dalawang tulak, dealer at supplier ng marijuana sa Pasig City Prosecutor’s Office.