Una sa Balita

2 bebot tinimbog sa doble-presyong sanitizer

0 483

Tulungan ng bawat isa ang magliligtas sa bawat isa at hindi ang pagiging suwapang at pananamantala sa kapwa para sa sarili lamang ngayong nahaharap ang bansa sa krisis ng coronavirus disease o Covid-19.

Ito ang pasaring kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Police Major General Debold Sinas sa mga negosyante na hindi nagpapaawat sa iligal na gawain matapos nang may maaresto na namang dalawa katao sa pagbebenta ng overpriced na alcohol sa gitna ng kakapusan ng suplay nito.

Base sa ulat ng Las-Pinas City Police , inaresto ang mga suspect na sina Jeaven Jean Gloria y Pagapong, 30-anyos at Rica Rose Bag-Ao y Bug-Os, 31, matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng mga ito ng mas mataas na presyo ng alcohol.

Sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence Section at Special Operations unit Follow-up Section ng Las Pinas City Police, nagbebenta ng Green Cross Sanitizers at sprays ang dalawang suspect sa dobleng halaga sa standard price nito.

Sa entrapment operation, dakong alas-5:40 kamakalawa ng hapon nang maaresto sa Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City ang mga suspect kung saan natukoy na ang 250 ml. bottle ng isang brand ng alcohol ay ibinebenta ng P90.00 kada is , na doble sa standard price nito.

“We have long heard the saying that the only thing that will redeem mankind is cooperation,” panawagan naman ni Sinas. (Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More