Una sa Balita

2 bebot timbog sa bitbit na shabu

By
0 1,347

NAHULI ang dalawang babae dahil sa pagbibitbit ng iligal na droga sa Maynila kahapon.

Nabatid na habang papauwi na si Police Officer 1 Richard Villestas mula sa kanyang duty sa Manila Police District Station-2 nang napansin niya ang suspek na si Susan Tamayo at kasamang si Susan Salle y Aquino habang may hawak at binubusisi ang plastic sachet.

Sinita umano niya ang dalawa at dito na nakita na shabu ang laman ng dala ng 2 babae kaya’t agad itong dinakip.
Nabawi sa dalawa ang isang sachet ng shabu na may street value na P200.

Ang naturang ebidensiya ay dinala na sa MPD-Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon.

Kasalukuyang nakadetine ang dalawa sa Police Station-7 habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanila.