Una sa Balita

2 bebot tiklo sa shabu

By
0 10

Arestado ang dalawang babae na naaktuhan ng mga tauhan ni P/Supt. Roderick dela Peña Tonga habang nasa aktuwal na bentahan ng droga sa Brgy. 36M Caridad, Cavite City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Angelita Cayas at Mary Jane Arcuña, 41 at 50-anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa ulat na nakalap sa Cavite City Component Police Station, dakong alas-dos ng hapon nang maaktuhan ang pagbili ni Cayas ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kay Arcuña, kaya’t agad silang dinampot ng pulisya.

Narekober sa dalawan ang 15 plastic sachet ng shabu.