Una sa Balita

2 bebot buking sa pagnanakaw ng Korean noodles

0 211

SWAK sa kulungan ang dalawang babaeng empleyado ng Korean grocery store makaraang mahuli dahil sa pagkawala ng 20 kahon ng noodles kamakalawa nang umaga sa Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng pulisya, inaresto sina Judy Tumama, 27-anyos, Logistic Supervisor at Kim Apao, 23, helper, kapwa empleyado ng MJ Global Corporation na matatagpuan sa 700 Lerma Compound Dowell St. Brgy. Old Zaniga, ng nasabing lungsod, at kilala bilang distributor ng Korean goods sa bansa.

Nagtungo sa tanggapan ng pulisya ang representative ng MJ Global Corp. na si Dexter John Ong, 31, para ipahuli ang dalawa nilang empleyado sa kasong pagnanakaw.

Inaresto ang dalawang suspek bandang alas-10:03, Martes nang umaga sa loob ng opisina ng MJ Global Corp. matapos mabuking ang ginawang pagnanakaw ng dalawa na kung saan ay dinala ang may 20 kahon ng Korean noodles na nagkakahalaga ng P5,000.00 sa isang pinagtataguang bahay sa Brgy. Hulo.

Narekober ang kahon-kahong mga Korean noodles at agad na inaresto ang dalawa na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Mandaluyong detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa qualified theft. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy