Una sa Balita

2 bata patay, 8 sugatan sa Sulu explosion

By
0 811

Patay ang dalawang bata at sugatan ang walong iba pa nang sumabog ang pinag­lalaruang 40-millimeter rifle grenade projectile sa Parang, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police, ang rifle grenade projectile ay nakita ng isa sa mga bata sa bukirin sa Barangay Kanaway noong Huwebes ng hapon at dinala sa isang kubo kung saan ito pinag­laruan.

Nasa 10 bata ang nakitang naglalaro sa kubo hanggang sa sumabog. Samantala, dalawang magkasunod na pagsabog naman ang bumulabog sa Datu Udin Sinsuan, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa may ­Barangay Semba na sinundan pa ng isa pang pagsabog ilang metro lamang ang layo.