Una sa Balita

2 ‘bata’ ng mambabatas nagsabong

0 645

May ­namamayaning banggaan daw sa pagitan ng dalawang pinagkakatiwalaang bata ng mambabatas.

Wala namang naganap na sabunutan o murahan sa pagitan ng dalawang trusted employee ng mambabatas.

Pero ramdam ng mga nakapaligid sa mambabatas ang init sa hidwaan ng ­dalawang empleyado.

Kaliwa’t kanang baho ang binabato umano ng dalawa na sinahugan pa ng mga black propaganda.

Ang matindi nito, hindi man lang ma­saway ng mambabatas ang dalawang nag-uumpugan niyang ­empleyado.

Ayaw kasi ng mambabatas na masaktan ang damdamin ng bawat isa kaya ­hinayaan lamang niya ang mga ito na magsaksakan sa likod.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na walang paki sa sabong ng dalawang ­empleyado ay kilalang komikero at may letrang O sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More