Una sa Balita

2 bata nalunod sa Pola, Oriental Mindoro

By
0 893

Tatlong magpipinsan ang nalunod sa Sitio Kabilang Ibayo, Brgy. Batuhan, Pola, Oriental Mindoro noong April 08, araw ng Linggo.

Ayon kay Police Senior Inspector R-Jay Rubias, Chief of Police ng Pola, Oriental Mindoro, nalunod habang naliligo sa bukana ng ilog ang tatlong magpipinsan na sina Ge­rald Rodriguez Magcamit, 6-anyos; Jasmine Rodriguez Magcamit, 10-anyos at Jhel Loriel Santia Magcamit, 9-anyos na pawang residente ng Brgy. Batuhan.

Masuwerteng nailigtas ng mga rescuers si Gerald at agad na dinala sa Pinamalayan Doctor’s Hospital samantalang ang dalawang babae ay tuluyang nawala matapos tangayin patungo sa malalim na bahagi ng ilog.

Nitong Lunes, April 09, natagpuan ang patay ng katawan ni Jasmine sa baybayin na sakop ng Brgy. Bayanan. Samantala nitong Martes ay patay ring natagpuan ang katawan ni Jean Loriel sa ilog sa Brgy. Tiguihan.

Tumakas lang umano at hindi nagpaalam sa mga magulang ang tatlong mga bata sa kanilang mga magulang ng maligo sa bukana ng ilog.

Paalala ni Police Senior Inspector R-Jay Rubias sa mga magulang, ugaliing bantayan ang mga batang naliligo sa ilog at dagat lalo na ngayong summer na mainit ang panahon.