2 bata gagawing santo

By

Nakatakdang ideklara ni Pope Francis na santo ang dalawa sa tatlong bata kung saan nagpakita ang Our Lady of Fatima.

Sa ulat, inanunsyo ng Santo Papa na sa darating na Mayo 13 gagawaran bilang santo sina Jacinta at Francisco Marto.

Isasabay ito sa kanyang pagbisita sa pamosong pilgrimage site sa Argentina kung saan ipagdiriwang ang ika-100 anibersaryo ng unang apparitions ng Birheng Maria.

Sinasabing 7 taong gulang pa lamang si Jacinta habang 9-anyos si Francisco at ang pinsan nilang si Lucia ay 10-anyos nang magpakita sa mga ito ang Birheng Maria.

Inilibing ang dalawa noong pumanaw sila sa Sanctuary of Our Lady of Fatima.

Sila ang maituturing na pinakabatang non-martyrs na i-canonize sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.

Mula noong ito ay nagpakita makailang beses ng nagpapakita ito tuwing ika-13 ng buwan.

Magiging ikaapat na Santo Papa si Pope Francis na dadalaw sa Fatima shrine na ang una ay si Pope Paul Vi, John Paul II, at Benedict XVI.


SHARE