Una sa Balita

2 barangay tanod huli sa akto na bumibili ng shabu

By
0 130

Arestado ang dalawang barangay tanod na gumagamit pa ng patrol vehicle sa pagbili ng iligal na droga kasama ang 18 pang katao sa magkakasunod na ope­rasyon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa MPD-Police Station 9 (PS9), dakong alas-5:05 nang hapon kamakalawa nang maaresto sina Abel Omugtong, 40-anyos, at Eugenio Salanova, 46, kapwa barangay tanod ng Brgy. 787, Zone 85, at residente ng Sta. Ana, Maynila, sa isinagawang anti-criminality operation ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa F. Muñoz St., kanto ng Zobel Roxas St. sa Malate.

Nabatid kay PSInsp. Edwin Fuggan, na siyang nanguna sa operasyon, kasamang naaresto ng mga barangay tanod ang parking boy na si Paul Villanueva, 45.

Sinabi pa ni Fuggan, gamit pa umano ng mga barangay tanod ang patrol vehicle ng kanilang barangay nang sila ay bumili ng iligal na droga. Gumagamit umano sila upang hindi antukin sa trabaho.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalahaga ng P1,200.

Samantala nakadeti­ne naman ang iba pang mga suspek sa MPD-PS3, PS4 at PS9 at sasampahan ng mga kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.