Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 barangay official, 3 pa huli sa sabong

0 498

Nahaharap sa kasong administratibo ang dalawang barangay official at kasong criminal din ang asunto sa tatlong sabungero matapos mahuli sa iligal na tupada sa Cebu City.

Nakilala ang mga inaresto na sina Brgy. Canbanua councilor Edilor Salomere, 58, at barangay treasurer Jimster Bajenting, 34, Ruel Escalante, 54; Nikki Romanillos Yting, 50; at Angelo Abella Bajo, 32, pawang mga residente ng Argao, Cebu habang nakatakas naman sina Lemuel Canete at Carlo Quintanar, ng Brgy. Poblacion, at Richard Sarsaba ng Brgy. Canbanua.

Ayon kay Police Capt. Elston Dabon III, hepe ng Argao Police station, nakakuha sila ng tip mula sa isang residente na may nagaganap na tupada sa Brgy. Canbanua, sa kabila ng pinaiiral na quarantine sa bayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Agad na ikinasa ang raid at nakumpiska mula sa tupada ang dalawang panabong na manok at nalambat ang mga suspek habang nagawang makatakas ng tatlo pa.

Nabatid na una nang nahuli ang pito pang opisyal ng barangay, kabilang ang tatlong barangay captain at apat na konsehal na sangkot sa iligal na pagsasabong sa Sitio Tagasa, Brgy, Bitoon, Daanbantayan, Cebu. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.