Una sa Balita

2 barangay kagawad arestado sa Pangasinan

By
0 315

SA bisa ng search warrant, arestado ang dalawang aktibong barangay kagawad matapos mahulihan ng mga baril at bala sa magkahiwalay na lugar sa Tayug, Pangasinan noong Huwebes.

Sa warrant of arrest na ibinaba ng korte, ang mga suspek ay kinilalang sina Paul Macato, 51-anyos, barangay kagawad ng Brgy. Carriedo; at Mariano Baybayan, 49, barangay kagawad ng Brgy. Poblacion A, parehong taga-Tayug sa nasabing lalawigan.

Unang inaresto si Macato sa kanyang bahay dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril at isang replika na handgun.

Samantala, arestado naman si Baybayan na nahulihan naman ng isang hindi lisensyadong .9mm pistol kasama ay siyam na live ammunition nito.

Dinala ang dalawan­g barangay kagawad sa Tayug Police Office at kakasuhan ng illegal possession of firearms and ammunitions.