Una sa Balita

2 bala tumapos sa barangay chairman

By
0 164

Patay ang isang barangay chairman nang tambangan ng hindi pa nakikilalang riding in tandem habang nakaupo ang sa labas ng barangay outpost sa Brgy. 28 Zone 4, Pasay City kamakalawa nang gabi.

Sanhi ng dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ay hindi na umabot ng buhay sa Pasay City Ge­neral Hospital ang biktimang si Jovie Decena y Tan, 47-an­yos, may asawa, Barangay captain ng Brgy. 28 at naninirahan sa No. 182 Toyo Compound Villaruel St. ng nasabing lungsod.

Base sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, dakong alas-10:30 nang gabi nang maganap ang insidente sa outpost ng Villaruel­ ng nasabing lungsod.

Ayon kay Barangay Kagawad Federico Mandue, katabi niya si Decena habang nakaupo at nagkukwentuhan sila labas ng outpost.

Maya-maya at big­lang sumulpot ang dala­wang lalaki na nakata­kip ang mukha sakay ng isang motorsiklo na walang plaka at sabay na pinaunla­nan ng bala ang biktima.

Dahil sa takot ni Mandue, tumakbo ito sa loob ng isang bahay upang magtago.

Pahayag pa ni Mandue, walong putok ng baril ang kanyang nari­nig at nang duguang bumagsak sa semento ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direskyon.

Agad naman humi­ngi ng tulong si Mandue at isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima subalit hindi na ito uma­bot ng buhay.