Una sa Balita

2 bagyo nasa PAR

By
0 14

Dalawang bagyo ang sabay na pumasok kahapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na inaasahang magdudulot ng pag-ulan sa mala­king bahagi ng Luzon.

Unang pumasok ang bagyong “Lannie” at agad sinundan ng tropical depression “Maring” na dating low pressure area.

Dakong alas-kuwatro ng hapon nang huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong “Lannie” sa layong 1,370 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan.

Namataan naman si “Maring” sa layong 300 kilometro ng silangan ng Infanta, Quezon.

Ngayong hapon ay ina­asahan ng PAGASA ang landfall ni “Maring” habang ang bagyong “Lannie” ay walang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.