Una sa Balita

2 bagong opisyal itinalaga ni Pangulong Duterte

By
0 111

Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang bagong opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Si Rodolfo Garcia ang bagong General Manager ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 at si Cesar Chavez naman ay uupong bagong undersecretary ng DOTr.

Pinalitan ni Garcia si Roman Buenafe na sinampahan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman noong December 2016, habang si Chavez ay pinalitan naman si dating Usec. Noel Eli Kintanar.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment ni Chavez noong February 28 at noong February 24 napirmahan ang appointment ni Garcia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy