Una sa Balita

2 bagitong pulis sibak sa pagbabanta sa sinitang rider

By
0 2,078

Sinibak sa kani-kanilang puwesto ang dalawang baguhang pulis matapos na ireklamo ng magulang ng isang binata na kanilang sinita kahit wala namang violation dahil lamang nag-overtake ito sa kanila sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga sinibak na pulis na sina PO1 Ronald Rey Gaba­yan Dadaig at PO1 June Ocariza Gavilan na pawang mga nakatalaga sa Malabon City Police Community Precinct 2.

Base sa reklamo ng ina ng hindi na pina­ngalanang biktima, binabaybay umano ng kanyang anak na binata ang kahabaan ng Mac­Arthur Highway na sakop ng Barangay Potrero ng nasabing lungsod nang overtake-an nito ang nasa unahan niyang police mobile na sakay ang dalawang pulis at nagsasagawa ng pagpapatrolya.

Agad umano siyang binabaan ng dalawang pulis at inilawan ang mukha ng biktima gamit ang flashlight saka kinuha ang lisensiya nito kahit wala naman umano siyang ginagawang violation. Sinabihan pa umano ni Gavilan ang binata na humanda ito dahil babalikan siya at yayariin.

Dahil sa takot ay agad na nagtago sa isang tindahan ang biktima at ipinagbigay-alam agad sa kanyang mga magulang ang insidente.

Mabilis namang nagreklamo ang ina niya sa pulisya na nauwi sa pagkakasibak sa dalawa ni Sr. Supt. Henry ­Espala na kanilang hepe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy