Una sa Balita

2 bagets lumutang sa ilog

By
0 4

Dalawang bangkay ng mga teenager ang natagpuang lulutang-­lutang sa ilog sa Prinsa, Timbao, Biñan City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Biñan police, nalunod ang mga ito habang naliligo sa ilog.

Kinilala ang mga nasawi na sina Brean Kurt Porlay Pasam­ba, 15-anyos, at si James Flores Alapitan, 17-anyos, kapwa grade 10 student at parehong residente ng St. Joseph Village, Southville 5, Brgy. Timbao, Biñan City.

Batay sa imbestigasyon, nagpaalam sa kanilang pamilya ang dalawa na dadalo lamang sa birthday celebration ng kanilang kaibigan.

Subalit nakita ang mga itong naliligo sa ilog noong Sabado ng hapon.

Kinabukasan bandang ala-una ng hapon, natagpuan na lamang ng mga residente ang katawan ng dalawang biktima na wala nang buhay.