Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 babae buking sa pekeng OFW contract

0 214

Walang lusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport ang dalawang babaeng nahulog sa modus ng iligal na recruiter.

Sa ulat ng BI Travel Control Enforcement Unit (TCEU) kay Commissioner Jaime Morente naharang ng immigration officer ang dalawang biktima nang tangkaing sumakay sa isang flight ng Emirates Airlines patungong Dubai.

Nagpakilala umano ang dalawa na mga overseas Filipino worker (OFW) na may valid overseas employment certificate (OEC) at mga kontrata sa pagtatrabaho. Pero nang suriin ito, dito nabisto na mga peke ang kanilang dokumento.

“Through the checks, it was confirmed by the POEA officer on-duty that the contract the victims submitted were not verified by the Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Dubai, and were faked,” sabi ni Morente.

Inamin ng mga biktima na natanggap nila ang kontrata sa pagtatrabaho mula sa isang ahente na nakilala nila sa online isang araw bago ang kanilang flight.

Pinabura din umano ng ahente ang usapan nila sa cellphone. “It was obviously a ploy to depart through illegal means,” dagdag pa ng opisyal.

Inilahad ni Morente na ang mga pekeng kontrata ay ipinakita upang makaiwas sa mahigpit na pagsuri, upang palabasin na sila ay pinapadala sa United Arab Emirates na sa katunayan iligal na ipinadala ang mga ito sa ibang bansa. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.