Una sa Balita

2 babae, 1 lalaki todas sa 4 na araw na inuman

By
0 675

TATLO ang namatay kabilang ang dalawang babae matapos ang mga ito ay mag-inuman ng halos apat na araw sa Brgy. San Die­go, Luisiana, Laguna.

Kinilala ng Luisia­na police ang mga nasawi na sina Rolan Valen­zuela Graida, 41-anyos, contractual employee ng Meralco; Michelliza Faustino Gonzales, 41, at Sonia Sovejano Graida, 62, pawang residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa report ng Regional Police Office 4A kamakalawa, halos magkakasunod na nakaramdam ng hirap sa paghinga at pananakit ng tiyan ang mga biktima matapos ang apat na araw na walang tigil na inuman na nagtapos noong Agosto 23.

Magkakasunod na isinugod sa Luisiana District Hospital ang mga biktima subalit lahat ang mga ito ay magkakasunod ding nasawi habang nilalapatan ng lunas.

Sa findings ng doktor, pagdurugo sa tiyan sanhi ng sobrang pagkakainom ng alak ang ikinamatay ng mga biktima.