Una sa Balita

2 ASG patay sa engkuwentro, 2 pa sumuko sa Sulu

0 132

BULAGTA ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang naganap na labanan kontra sa mga tauhan ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army kamakalawa nang hapon sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Barak Ingog, umano’y isa sa mga facilitator ng Jolo, Cathedral twin bombing at Nasser Sawadjaan, pamangkin ni ASG Leader Hajan Sawadjaan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo kahapon, naganap ang labanan ng dalawang panig dakong alas-3:45 nang hapon sa Brgy. Bangkal ng nabanggit na bayan.

Napag-alaman na nakaengkuwentro ng tropa ng pamahalaan ang tinatayang 40 miyembro ng ASG na tumagal ng may 50 minuto bago naghiwa-hiwalay ang mga ito at nagkanya-kanyang takas at iwan ang dalawang bangkay ng kanilang mga kasama­han sa lugar ng sagupaan.

Nakuha sa dalawang nasawing ASG ang dalawang malalakas na kalibre ng baril at ilang mga personal na gamit.

Tatlong sundalo naman ang sugatan sa naganap na engkuwentro na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Kamakalawa nang sumuko ang dalawa pang miyembro ng ASG sa Brgy. Danag ng nabanggti ding bayan na sina Nidsmar Annudin at Limo O Ammad. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy