Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 artista may sabit: Pelikula ni Edu tigil shooting muna

0 207

Alam mo, Dondon (my dear editor), after ng 4 shootings days ng pelikulang “Mamasapano” na pinagbibidahan ni Edu Manzano ay hindi pa uli nakakapag-resume ng work.

Kahit senior citizen si Edu ay ok lang naman sa kanya ang mag-shooting dahil hindi naman daw siya health risk, ayon sa celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio na siya ring producer ng pelikula.

Hindi lang sila makapag-resume ng shooting dahil maulan ngayon at karamihan sa mga eksenang kailangan nilang kunan ay outdoor.

May problema rin daw sa schedule ng dalawang artistang kasama rin sa pelikula. May sabit pa raw kasi ang mga ito sa ibang projects, pero wala naman daw siyang balak tanggalin ang mga ito.

“We’ll wait. Ok lang naman,” sabi ni Atty. Topacio.

Ayon pa kay Atty. Topacio, medyo lumaki raw ang budget ng “Mamasapano” dahil sa health and safety protocols na pinatutupad ngayong “new normal” sa paggawa ng mga pelikula (pati TV shows) dahil sa COVID-19 pandemic.

Grabe raw ang alcohols, sanitizers, face masks, face shields at kung ano-ano pang mga gamit nila sa pagsa-sanitize ng set.

“Kailangang sundin talaga para safe ang lahat sa virus.

“Saka may health officer kami na palaging nagtse-check. Pati temperatures ng mga artista at lahat ng kasali sa shooting, regular na tsine-check. Ang mga artista rin, kapag hindi pa kinukunan ang mga eksena nila, naka-face mask at face shield din. Kailangang maghigpit talaga,” pahayag ni Atty. Topacio.

Bukod nga pala sa nabanggit na pelikula, si Atty. Topacio rin ang producer ng virtual concert ni Myrtle Sarrosa, ang “Myrtle: Restart” na magaganap daw sa November 28 at malapit na silang magbenta ng digital tickets.

Nakakatuwa nga lang, Dondon, na kahit may pandemic, hindi natakot si Atty. Topacio na ituloy ang kanyang pagpo-produce.

‘Yung “Mamasapano” raw once na matapos sila ay hihintayin muna nilang magbukas ang mga sinehan para maipalabas. Pero kung sakaling matatagalan ang pagbubukas ng mga sinehan, puwede rin daw nilang pag-isipan na ipalabas ang pelikula sa streaming app.

Sunshine iwas sa pagdikit kay Macky

Alam mo, Dondon, since nagkaroon nga ng pandemic, ilang showbiz personalities na rin ang nakasabay ko na kumain sa ilang restaurants at may iba namang nakakasabay ko sa pagko-coffee sa Starbucks sa Imperial Palace, Tomas Morato, Quezon City.

At noong Monday afternoon nga, kakain sana ako sa isang ramen restaurant sa may Alabang Town Center nang makita ko naman si Sunshine Cruz kasama ang boyfriend niyang si Macky Mathay.

Actually, si Macky ang una kong napansin dahil nakatalikod si Sunshine.

Ayoko namang makaistorbo sa date nila, kaya sa ibang restaurant na lang ako kumain. Pero nag-text ako kay Sunshine.

“Nakita kita!” text ko na sinagot niya ng, “Saan? Nandito ako sa Alabang Town Center, kumakain kami ng ramen. Late lunch.”

Biniro ko si Sunshine na ayokong makaistorbo sa date nila ni Macky, kaya sa ibang restaurant na lang ako kumain.

In fairness nga pala kina Sunshine at Macky, hindi sila pa-PDA (public display of affection” dahil ni hindi sila magkatabi sa upuan.

Ay, bawal nga palang magkatabi sa upuan sa mga restaurant kahit na magkasama pa kayo dahil sa rules ng IATF.

Hahaha!

Anyway, isa nga pala si Sunshine sa mga artistang tuloy-tuloy pa rin ang trabaho kahit may pandemic dahil pagkatapos ng “Love Thy Woman” ay kasali naman siya sa new afternoon series ng ABS-CBN, ang “Bagong Umaga”.

Katatapos lang ng first lock-in nila at sa November ay babalik sila para mag-lock-in uli para sa pagpapatuloy ng kanilang taping.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.