Una sa Balita

2 arestado sa P13.6M shabu

0 390

NASA P13. 6 milyong halaga ng shabu ang narekober ng lokal na pulisya sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Sitio Cogon, Brgy. Pardo, Cebu City.

Naaresto ng mga operatiba ng Pardo Police Station ang mga suspek na sina Danilo dela Cerna at Giovanni Canesare, pawang 22-anyos at residente ng Sitio Manol, Brgy. Tisa.

Aabot sa may 2 kilo ang nasabat na pinaghihinalaang shabu sa dalawang­ suspek.

Ayon kay Chief Insp. Regino Maramag, Pardo Police Station chief, tatlong buwan na isinailalim sa surveillance ang mga suspek bago isinagawa ang operasyon laban sa kanila.

Sa inisyal na imbestigasyon, inamin nina Dela Serna at Canesare na kinukuha nila ang suplay ng droga sa isang nakilalang Ogie Rojas na residente ng Brgy. Duljo Fatima na ikinokonsidera ng high – value target.

Sina Rojas, Dela Cerna at Canesare ay pawang miyembro umano ng Berto Randy drug group na kumikilos sa Cebu City.
Naniniwala ang pulisya na galling sa Luzon ang mga nasamsam na shabu.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy