Una sa Balita

2 arestado sa iligal na pagbebenta ng Globe At Home modems

0 216

DALAWANG illegal seller ng Globe At Home LTE broadband modems ang dinakip kamakailan sa isang joint entrapment operations na isinagawa ng Globe Security and Anti-Fraud Investigation team at ng Philippine National Police (PNP) sa Tarlac City.

Ang pag-aresto ay sa gitna ng pinaigting na kampanya ng Globe Telecom laban sa mga mandaraya at magnanakaw upang maprotektahan ang mga customer laban sa iligal na gawain na may kaugnayan sa mga produkto at serbisyo.

Sina Patricia Ann Miller, 26-anyos, at Edwin Buniag, 26-anyos, ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 8484, o mas kilala bilang Access Devices Regulation Act of 1998, dahil sa iligal na pagbebenta ng Globe Telecom modems. “RA No. 8484 protects the rights and defines the liabilities of parties in such commercial transactions by regulating the issuance and use of access devi­ces,” ayon sa Globe.

Lumitaw sa imbestigasyon ang isang sistematikong modus operandi kung saan nak­a­bibili sina Miller at Buniag, na walang koneksiyon sa Globe o sa alinmang kontractor nito, ng Globe modems at antennae online, nakokolekta ang items, at pagkatapos ay ibinebenta sa prospective customers.

May kabuuang 12 units ng Globe LTE modem at 14 units ng LTE antenna ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek. Binalaan ng Globe ang potential buyers ng hacked devi­ces na ito dahil walang humpay sa pagbabantay ang kompanya sa network nito at agad na pinuputol at dini-disable ang iligal na koneksiyon nang walang abiso.