Una sa Balita

… 2 araw water interruption naman sa QC

By
0 2

Pinag-iimbak naman ngayon ng tubig ng Manila Water ang ilang mga barangay sa Lungsod ng Quezon na maapektuhan ng kanilang dalawang araw na water service interruption.

Nabatid na ang mga mawawalan ng serbisyo ng tubig ay ang Barangay Laging Handa, Obrero, Paligsahan Kamuning at Roxas District na mararanasan ang kawalan ng tulo sa kanilang mga gripo mula Oktubre 3 ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw ng Oktubre 4.

Habang Oktubre 4 naman ng alas-10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng hapon ng Oktubre 5 ay magkakaroon ng water interruption ang Brgy. West Triangle Q.C.

Ang nasabing service interruption ng Manila Water ay bunsod na rin sa patuloy nilang isinasagawang Service Improvement para mas lalo pang mapabuti ang kanilang pagbibigay serbisyo-publiko at matiyak na maihatid ang malinis na tubig sa kanilang mga consumers.

Aabot sa 12,000 na mga kabahayan ang siyang maapektuhan sa naturang water interruption.