2-araw walang pasok sa Metro Manila

By

Idineklara ng Palasyo ng Malacañang na walang pasok o non-working holiday ang April 27 sa lahat ng government offices sa lungsod ng Maynila, Makati at Pasay City para bigyang-daan ang isasagawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit dito sa Pilipinas simula April 24 hanggang April 30, 2017.

Sa inilabas na Memorandum Circular 18 ng Malacañang na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa April 28, araw ng Biyernes, suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan sa mga nabanggit na siyudad, mapa-public o private na opisina gayundin ang mga pasok sa eskwela.

“Government offices located inside the Philippine International Convention Center (PICC) and CCP Complex may be processed in other business and/or satellite offices of said agencies,” ayon sa memorandum ng Malacañang.

Suspendido ang trabaho maliban sa mahahalagang basic services tulad ng security and safety, heath, emergency preparedness at mga opisinang may kinalaman sa ASEAN activities.

“Government agencies involved in the delivery of basic services including security and safety, heath, and emergency preparedness, and those directly involved in the conduct of various ASEAN meetings and related activities, shall remain open and perform their normal functions.”

Ipinauubaya naman sa mga apektadong local government units (LGUs) ang pagdedesisyon kung magsususpinde ng trabaho at pasok malin sa petsa ng opisyal na deklarasyon ng Malacañang.


SHARE