Una sa Balita

2-anyos tinikman ng Batangeñong insan

By
0 1,870

Kahit sa pautal-utal na pagsasalita, naikuwento ng isang dalawang taong gulang na batang babae ang pang-­aabuso sa kanya ng 16-anyos na pinsang lalaki sa Tanauan City, Batangas.

Kamakalawa ng tanghali ay nagtungo sa himpilan ng pulisya sa Tanauan City ang mga magulang ng biktimang si ‘Marie’, at inireklamo ang suspek na si Jayson, 16.

Nangyari umano ang panghahalay noong Enero 10 sa bahay ng suspek na kapitbahay lamang ng biktima.

Nakita umano ng tatay ng biktima na lumabas ng bahay ang anak na walang pang-ibabang saplot sa katawan. Napansin din nito na dali-dali ring umalis ang suspek sa bahay kaya nagduda ito at inusisa ang bata.

Sa paputol-putol na pagsasalita, nasabi ng biktima na pinahubad ng suspek ang kanyang underwear at saka ikiniskis umano ng suspek ang ari sa maselang bahagi ng katawan ng bata.

Inihahanda na ngayon ang kaso ­laban sa suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More