2-anyos na-syut sa washing machine, todas

By

Patay ang isang 2-­anyos na batang babae matapos na aksidente itong mahulog sa washing machine sa Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng tanghali.

Batay sa impormasyon, naglalaba ang kasama ng bata na itinago sa pangalang ‘Alysa’ nang mangyari ang aksidente bandang alas-11:30 ng tanghali.

Sa kalagitnaan ng pag­lalaba, umalis ang kasama at iniwan ang bata sa tabi ng umaandar na washing machine.

Pagbalik, laking gulat nito nang nakita na lamang na nasa loob ng washing machine ang bata. Agad umano nitong pinatay ang washing machine at kinuha ang bata subalit wala na umano itong buhay.

Sa pag-iim­bestiga, napag-alaman na umakyat ang bata sa isang silya at dumungaw sa washing machine at saka nahulog. 

SHARE