Una sa Balita

2 anak ni President Digong, nanumpa na

By
0 1

Nanumpa na kahapon ng umaga ang Duterte na sina Sarah Duterte bilang alkalde ng Davao City at si Paolo Duterte naman bilang Bise Mayor ng Davao.

Nagtaas ng kanang kamay ang mga anak ng President Elect Rodrigo Duterte sa harapan ni Executive Judge Emmanuel Carpio habang nanu­numpa sa kanilang magiging tungkulin sa bayan.

Typical lamang ang naging oath taking na sinaksihan ng ilang kawani ng City Hall ng Davao na isinagawa sa mayor’s office mismo ng Davao.

Abante Hiring – IT dep

Nagpasalamat ang maraming kawani ng city hall sa maagang panunumpa ng alkalde at bise mayor dahil marami anilang mga bagay na dapat nilang maisangguni sa alkalde.

Sa nagdaang eleksyon nitong Mayo 9, 2016 ay walang ibang tumakbo bilang mayor at bise ma­yor ng Davao maliban sa magkapatid na nanumpa.

Ang sinundan ni Ma­yor Sarah Duterte Carpio bilang alkalde ng Davao ay ang mismong ama nito na si Rodrigo R. Duterte na ngayon ay nakatakda na ring manumpa bilang bagong presidente ng Pilipinas

Habang nalalapit ang panunumpa ng bagong President elect ay lalo pang excited na naka-abang ang mga Dabawenyos sa mga ipinangako nitong pagbabago sa buong bansa.