Una sa Balita

2 alagad ni Quiboloy humirit ng ‘not guilty’ sa LA court

0 431

DALAWA sa tatlong church leader ni Pastor Apollo Carreon Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name Inc. ang naghain ng ‘not guilty plea’ sa kasong labor trafficking at immigration fraud sa Los Angeles, California.

Inihain nina Guia Cabactulan, 59-anyos, at Marissa Duenas, 41-anyos, ang kanilang ‘not guilty plea’ sa korte sa Los Angeles.

Samantala, ang kasama nilang si Amanda Estopare, 48-anyos, na siyang may hawak ng pera ng simbahan ni Quiboloy ay hindi nakadalo sa pagbasa ng isinampang kaso laban sa kanila.

Ayon sa federal prosecutor, dinadala ng mga akusado ang kanilang miyembro sa Amerika sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa mga dokumentong gamit nila.

Tulad halimbawa ay special guest ang mga ito para suportahan ang konsiyerto ng kanilang church ministry na ginaganap sa Estados Unidos.

Subalit kapag nakapasok na sa Amerika ang mga mi­yembro na na-recruit nila ay kukumpiskahin na ng mga ito ang kanilang passport.

Pinipilit pa umano ng mga ito na mag-solicit at mangolekta ng pera para aniya sa foundation ng kanilang simbahan.

Habang pinahihirapang mag-solicit ng pera ang mga miyembrong na-recruit, kung saan pinaparusahan pa ang mga ito kapag hindi nakaka-quota ay nabubuhay naman aniya nang marangya ang tatlong akusado. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More