Una sa Balita

2 akyat-bahay suspect dinukot, itinumba

By
0 1

LLANERA, Nueva Ecija — Positibong kinilala bilang mga police character ang dalawang lalaki na biktima ng summary execution at natagpuang nakandusay sa Purok 2, sakop ng Brgy. General Luna dito noong Lunes ng umaga.

Sa karagdagang ulat ni P/Sr. Inspector Jonathan Romero sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Antonio Yarra, NE police director, kinilala ang mga bangkay na sina Ronald de la Cruz Agluba, 39, residente ng Brgy. Pantoc Bulac, Talavera, Nueva Ecija at Ramon Chito Agulto de Jesus, 19, residente ng Ginaro Extension. Brgy. D.S. Garcia, Cabanatuan City.

Sa pakikipag-ugnayan umano sa Talavera at sa Cabanatuan nabatid na ang dalawang lalaki ay kinilalang mga sangkot sa “akyat-bahay” at robbery hold-up, bukod sa pagi­ging drug personalities.

Lumitaw sa pagsisiyasat na dakong alas-dos ng madaling-araw noong Lunes ay sapilitang isinama ang dalawa ng mga armadong kalalakihan mula sa tinutuluyang lugar sa Brgy. D.S. Garcia sa Cabanatuan City.

Kapwa natagpuan ang dalawa na may tama ng baril sa ulo na binalutan ng packaging at nakagapos ang mga kamay at paa.