Una sa Balita

2 aktres tambay sa sabungan, super abang sa balato

0 1,020

abante-talbog-joe-barramedaNakakaloka ang 2 aktres na ito na wala raw ginawa kundi tumambay sa isang sikat na sabu­ngan para bantayan ang kanilang mga papa. Dahil madalas manalo ang mga papa ay agad naambunan ang dalawa. Mereseng makita sila ng mga tao basta makakuha lang ng datung. Talbog!!!

Josh Groban malapit sa puso ng mga Pinoy

Napakasaya sa loob ng MOA Arena noong Biyernes ng gabi kung saan ginanap ang concert ni Josh Groban. 17 years ago pala noong huling bumisita ng Pilipinas si Josh para i-promote ang kanyang CD noon.

Noon daw ay naba­litaan niya na mahal at gusto ng mga Pinoy ang istilo ni Josh at kaya nag-decide raw siya na mag-promote ng album niya. Mainit siyang tinanggap ng mga Pinoy na umabot sa 2000 ang nanood sa kanyang performance.

Kaya overwhelmed siya na ngayon ay isang malaking venue na puno ng mga Pinoy ang dumalo sa pagbabalik niya. Alam niyang maraming Pinoy ang magagaling na singers gaya ni Lea Salonga na sumikat sa buong mundo.

Nu’ng gabing iyon ay nagpaunlak si Lea na maging guest singer ni Josh Groban at hindi naging hadlang ang nakaupo lamang siya sa wheelchair dahil sa injured nu’ng maaksidente siya sa bakasyon. Dalawang kanta ang binanatan nila.

Masuwerte rin si Christian Bautista na naging guest din at naka-duet ang kanyang idolo simula pa nang magsimula siya sa music world.

Maraming mga celebrity ang nanood although sa dami ng tao ay hindi namin nakita except Martin Nievera, Michael V at Jinkee Paquiao. Lahat ay nasiyahan at may mga ngiti paglabas ng MOA Arena.

Nagpapasalamat kami sa Ovation, Cel PE de Guia at ang California base John Ling na naging daan para mapanood namin ang isa sa paborito naming international singer.

Alden pahinga muna sa teleserye

Hindi pa rin mamatay-matay ang chika na magta­tambal talaga sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa isang pelikula. Ayaw nang magsalita ng mga namamahala sa career ni Alden.

Ang alam nila ay may gagawin movie si Alden pero hindi pa sure kung anong project. Gaya nila ay wait na lang tayo kung anong project ang gagawin niya.

Noon pa man ay sinabi na ng managment ni Alden na sa movie muna ito focus bago ang bagong teleserye.

Jak Roberto may bagong kinahuhumalingan

Mukhang may bagong kinalolokohan ngayon si Jak Roberto. Alam kaya ito ni Barbie Forteza?

Anyway, nahuhumaling nga ngayon si Jak sa motorcycle, at madalas nga niyang ipino-post sa Instagram ang bago niyang Kawasaki Big Bike courtesy of Wheeltek headed by Roscoe Odulio.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng opportunity si Jak na maka-attend sa California Big Bike Training sa Clark Speedway kasama sina Dingdong Dantes, Do­minic Roque at iba pang maraming mahilig sa big bike.

Sayang hindi naka-attend sina Ruru Madrid at Jeric Gonzales na nabiyayaan din ng kani-kanilang mga big bike courtesy of Wheeltek at Rosco Odulio. Mas mabuti na ang mahilig sa big bike kesa sa drugs. Basta proper training and safety ay masarap mag-motor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy