Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Aktres nagtalakan, nagmurahan sa taping

0 172

Nagtalakan ang dalawang matataray na aktres na ito kaya hindi natuloy ang dapat na pagsasamahan nilang TV show sa isang cable channel.

Pareho raw kasing mayabang at ma-pride ang dalawa kaya walang nagawa ang producer kundi itigil na ang pilot taping nila dahil kung itutuloy pa raw nila, baka may isa sa dalawa ang maospital na duguan.

May kanya-kanyang bersyon ang dalawang aktres sa nangyari at bahala na kung kanino kayo maniniwala.

Bersyon ni Aktres A ay simula pa lang daw na mag-meeting sila para sa show, pinag-iinitan na siya ni Aktres B. Lahat daw ng ideas niya para sa segment ng show ay kinokontra ni Aktres B. Hindi raw alam ni Aktres A kung ano ang problema nito sa kanya.

“Feeling naman ang dunong-dunong niya sa concept ng show. Eh ang simpleng technical term nga hindi niya alam ang ibig sabihin. ‘Yun na nga, ‘yung mga binabato kong ideas, sinosopla niya. ]Hindi ko alam kung bakit? In the first place, ‘di kami close at ayokong makipag-away sa taong mas matanda sa akin. Pero bastos na ang lumabas sa bibig niya. Noong mag-pilot taping kami, ang ingay-ingay niya sa set. Tapos nagmumura siya. Bungangang squatter siya.

“Hanggang sa hindi na ako makatiis sa ingay niya, sinigawan ko na siya na tumahimik. Aba, nagalit pa at wala raw akong karapatan na patahimikin siya. Sinabi ko sa kanya na isa pang mura na galing sa bunganga niyang burak, ipapasak ko ang bote ng mineral water sa ngala-ngala niya.

“Doon na siya nag-freak out at tine-threaten ko raw buhay niya. Baliw, ‘di ba? Paano ka naman makikipagtrabaho sa ganyang jologs? Please, hindi ko kailangan ang show kung siya ang kasama!”
Bersyon naman ni Aktres B ay niyabangan daw siya ni Aktres A noong magsalubong sila sa meeting. Ngumiti naman daw siya rito pero sinimangutan lang daw siya kaya nag-init ang ulo niya.

“Sino ba naman ang hindi maiimbiyerna? Positive ang vibes ko noong araw na iyon, bigla ba naman akong sinimangutan? Kaya nasira na ang araw ko. Kaya lahat ng ideas niya na pang-’90s na talk show ay binabara ko. Jusko naman, 2022 na, ang concept niya pang-Lunch Date pa? Sino naman ang matutuwa, ‘di ba?

“Noong pilot taping namin, siya na lang ang hinahanap sa set. May blocking kasi kaming dalawa. Eh usapan na after ten minutes labas na ng tent at magsu-shoot na. Eh kailangan ng direktor namin yung natural light, ang problema sa isang ito, ayaw lumabas ng tent dahil mainit daw. So sino ang hindi magmumura sa ginagawa niya?

“Ako, pinasok ko ito para magtrabaho ng matino. May mga anak ako na binubuhay. Kaya kailangan ko ito. Kaya nakapagmura ako dahil parang wala siyang care sa hirap ng ibang tao sa paligid niya. Basta after each take, papasok siya ng tent dahil mainit daw. Eh, hindi pa kami tapos, eh. Tuhog dapat yung shoot para hindi sayang yung ilaw. Kaya sino ang hindi magmumura sa ugaling iyon?
“Totoo na pinagbantaan niya ako. Kaya mas lalo akong nagwala. Aba, siya pa ang may ganang manakot eh siya itong cause of delay. Kaya I don’t need to work with her. Bukod sa mayabang, ang dami ang peke sa katawan niya!”

Kaya walang choice ang producer na tsugiin na ang dalawa sa project at kumuha ng ibang puwedeng magtrabaho na hindi magpapatayan. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.