Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 aktor muntik magsapakan sa party

0 70

Muntik na palang magkasapakan ang dalawang actor ng isang network sa isang event. Ang dahilan, isang non-showbiz girl.

May asawa na ang 1st actor na unang kakilala ng non-showbiz girl. ‘Yung isang 2nd actor naman, balitang boyfriend na ni girl at seryoso na raw si 2nd actor sa girl.

Eh, kahit may asawa na raw si 1st actor, nag-chat daw ito kay non-showbiz girl. Tila nag-open ng feelings niya si 1st actor kay girl, pero hindi naman nag-pursue na pumorma pa. Hindi raw ito nagustuhan ni 2nd actor.

Super protective raw si 2nd actor sa girlfriend. So ending, nang magpang-abot ang dalawa sa isang event ng network, nilapitan nito si 1st actor at muntik na raw suntukin.

Buti na lang daw, naging maagap ang mga kasama nila na nakaramdam ng tension at napaglayo ang dalawa.

Pero winarningan daw ni 2nd actor si 1st actor na umayos-ayos ito lalo pa nga’t may asawa at anak na. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.