Una sa Balita

2 adik na basurero, laglag

By
0 5

Arestado ang dalawang­ scavenger nang makumpiskahan ng droga­ makaraang sitahin ng mga nagpapatrulyang pulis dahil sa walang damit na pang-itaas habang nag­lalakad sa isang lugar sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Sa detention cell ng Muntinlupa City Police ang bagsak ng dalawang suspek na kinilala ni Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Muntinlupa City Police na sina Michael Callada y Haz, 27, Joshua Abarro y Onato, 25 naninirahan sa Bgy. Alabang ng nasabing lungsod.

Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Novicio, dakong alas-siete ng gabi nang maaresto ang dalawang basurero sa Alabang, Muntinlupa City.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa opisyal, ­si­nita ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawa habang ang mga ito ay naglalakad na walang damit na pang-itaas suba­lit nang kapkapan ay nakunan ng droga.