Una sa Balita

2.8M SSS pensyonado may 13th month na

0 338

Makukuha na ng 2.83 milyong pensioner ng Social Security System (SSS) ang kanilang 13th month pension simula ngayon araw, December 6.

Sabi ni SSS president and chief executive officer Aurora C. Ignacio, ini-release na ng SSS ang mahigit P12.71 bilyon sa mga bangko para sa 13th month pension ng mga pensioner para may panahon silang makapamili ng bibilhin bago mag-Pasko.

“We have already requested our partner banks to credit the 13th month pension to the respective savings accounts of our pensioners on or before December 6 so that they could enjoy the money in time for the holiday season,” sabi ni Ignacio.

Dumami na ayon sa SSS ang mga pensioner ngayon kumpara noong isang taon kaya mas malaki ang ini-release nitong 13th month pension. Nasa 2.66 milyon lamang ang pensioner nu’ng 2018 kaya’t P11.81 bilyon lamang ang ginastos nito para sa 13th month nila.

Ayon sa SSS nasa 2.82 milyon sa mga pensioner ang kumukuha ng pera nila sa kanilang assigned bank account samantalang 14,000 naman ang tumatanggap pa rin ng cheke.

“The checks were released and mailed as early as November 26 so that our pensioners will receive it on time for the Christmas season,” sabi ni Ignacio. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy