Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2.8M Pinoy bakunado na laban sa COVID

0 236

Mahigit 2.8 milyong Pilipino na ang nakakumpleto ng bakuna laban sa coronavirus disease, mahigit apat na buwan makalipas mag-umpisa ang pagbabakuna sa bansa.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Lunes, 11,708,029 doses ang naibakuna na nationwide.

Kabuuang 8,839,124 katao ang naturukan na ng unang dose habang 2,868,905 indibiduwal ang kumpleto na ang bakuna o naturukan na rin ng ikalawang dose.

Kabilang sa bakunado na ng unang dose ang 1.7 milyong health workers, 2.5 milyong senior citizens, 2.9 milyong persons with comorbidities, 1.3 milyong essential workers at 256,431 mahihirap.

Samantala, ang mga fully vaccinated individual naman ay kinabibilangan ng mahigit 1.1 milyong health workers; 788,630 senior citizens; 897,719 persons with comorbidities; 26,109 essential workers; at 227 mahihirap. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.