Una sa Balita

2.8M bagong botante sa ‘Pinas

0 408

MAY 2.8 milyon ang mga bagong botante na nakapagparehistro sa natapos na voter registration noong Setyembre 30.

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec), sa datos mula Agosto 1, 2019 hanggang Setyembre 30, 2019 ay umaabot sa kabuuang 2,799,644 Pinoy ang naghain ng aplikasyon upang maging botante.

Karamihan umano ng mga bagong nagparehistro ay mga babaeng botante na umabot sa 1,465,452 habang ang mga la­laking nagparehistro ay nasa 1,335,192.

Sa Region IV-A o ang rehiyon ng Calabarzon, na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang nakapagtala ng pinakamaraming registrant na umabot sa 451,559 aplikasyon.

Ang susunod na barangay at SK elections ay gaganapin sa Mayo 11, 2020 pero inaprubahan na ng Senado ang panukala sa pag-urong ng nasabing halalan sa Disyembre 5, 2022. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy