Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2.5M batang babae napilitang pakasal dahil sa pandemya

0 182

Dapat itaas ang kasalukuyang age of sexual consent sa bansa na 22 bilang bahagi ng pagsugpo sa maituturing na paglabag sa karapatang pantao.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalin matapos magbabala ang mga eksperto na maaaring umakyat ang bilang ng mga child marriages kasunod ng pandemya.

Sabi ng senador, ang pagpapakasal ng isang menor de edad ay maituturing na child marriage at bagama’t saklaw nito ang parehong lalaki at babae, mas apektado dito ang mga batang babae.

Sa ulat ng Save the Children, maaaring umabot sa 2.5 milyon batang babae ang nanganganib na mapilitang magpakasal dahil sa epekto ng pandemya, kabilang ang pagkaantala ng edukasyon at pagbagsak ng ekonomiya.

Noong nakaraang Abril ay nagbabala ang United Nations Population Fund o UNFPA na maaaring magdulot ng karagdagang 13 milyong child marriages sa susunod na dekada dahil sa mga naging pinsala ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon naman sa United Nations Children’s Fund o UNICEF, ang Pilipinas ang pang-12 sa may pinakamataas na bilang ng mga child brides sa mundo.

Samantala, ang age of sexual consent sa Pilipinas na 12 ay pinakamababa sa Asya at pangalawang pinakamababa sa mundo.

Paliwanag ni Gatchalian, ang pag-angat sa age of consent ay makatutulong sa pagsugpo sa mga pang-aabuso at karahasang sekswal na dulot ng mga child marriages.

Sa kanyang Senate Bill No. 739, ipinanukala ni Gatchalian ang edad na 18 bilang age of consent.

Kamakailan ay inapbruhan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang isang panukalang batas na layong gawing ilegal ang mga child marriages sa bansa. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.