Una sa Balita

2-3-3 puwesto ng Pinas sa Asian Schools chessfest

By
0 2

Tinapos ng 14-player Philippine team ang kampanya sa tatlo pang gold medals sa standard event naman sa pagtiklop ng 12th Asian Schools Chess Championships 2016 sa Iran Chess Federation playing hall sa Tehran, Iran.

Nagpahabol pa ng mga tagumay sina sixth seed Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy sa 19-entry Girls Under-17 category sa pagposte nang tatlong upset wins sa eight victories laban sa one loss para maka-9.0 points; 19th Daren dela Cruz sa G U-9 na may 27 ang naglaban sa 6.5 pts; at 14th seed Stephen Rome Pangilinan sa Boys U15 na may 42 ang mga naglabu-labo sa 6.5 pts. din.

May dagdag pang silver si fifth seed Mecel Angela Gadut sa nilahukan ng 27 na G U9 sa 12-category, over 470-woodpusher, 17-nation, 10-day chessfest.

Ang nagawa ng apat, ang nagpwesto sa bansa sa second spot sa standard medal standings sa 3-1-0 gold-silver-bronze medals sa likod ng host Iran na may 6-5-8 para sa overall tally na third place sa 6-3-1. Pumang-apat ang ‘Pinas sa rapid sa 1-1-1 at tersera rin sa blitz sa 2-1-0.

Ang mga nakaginto pa sa kaagahan ng pigaan ng kukote ay sina sixth seed Kylen Joy Mordido sa may 23 nagtuos sa GU15 at 29th seed Daniel Quizon sa BU13 ng kapwa blitz.