Una sa Balita

1st Zambales Congressional Cup sa Barangay Tampo, Botolan dinumog

By
0 406

Sa kauna-unahang pagkakataon sa Zambales ay nagkaroon ng Unang Congressional Cup o Inaugural Cup sa inisyatiba si Zambales 2nd District Congresswoman Cheryl Deloso Montalla sa bagong covered court sa Brgy. Tampo, Botolan, Zambales.

Sa Brgy. Tampo sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Bob Divino napiling idaos ni Cong. Montalla ang Inaugural cup katuwang ang kanyang kapatid na si Atty. Izelle Iamly P. Deloso sa nasabing isa sa napakalaking Liga ng basketball sa Zambales.

Samantala, nagpasa­lamat ang mga mamayan ng nasabing bayan kina Cong Cheryl , Zambales Governor Amor Deloso at Atty. Izelle Deloso dahil sa patuloy na suporta nito sa bayan ng Botolan lalo na sa mga programang ibinibigay nila para sa kabataan, pangkalusugan, at Edukasyon.

Matatandaan na halos Ilan na sa mga paaralan na nasa bayang Ito ay mga bagong gusali at may bagong covered court.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy