Una sa Balita

1st Palayan City Rainbow tagumpay

0 197

Pinahalagahan ang mga kontribusyon ng LGBTQ sa Palayan City, Nueva Ecija sa pamamagitan ng inilunsad na summit para sa kanila.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, malaki ang naging ambag ng LGBTQ sa pag-unlad ng lungsod kaya nila ito kinilala sa pagdaraos ng 1st Palayan Rainbow.

Daan-daang miyembro ng LGBTQ sa lugar ang dumalo para ipahayag ang kanilang mga opinyon at ipinamalas rin ang mga talento sa larangan ng beauty contest.

Related Posts

“We take for granted yet sila ang nilalapitan natin if we need to be beautiful or kung need nating ng mga magagandang kasuotan” anang alkalde.

Tinukoy din ni Mayor Cuevas na maraming LGBTQ ang naging matagumpay sa entrepreneurs, doctors, lawyers, miyembro ng academe at iba pang talento na kanilang taglay.

Nangako si Mayor Cuevas na masusundan ang summit bilang pagkilala sa mga kakayahan at kontribusyon ng grupo sa Palayan City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More