Una sa Balita

1st Olympic gold mula kay Caloy

0 462

SA nagdaang 2018-2019 NBA season, nag-forecast ako sa simula pa lang ng naturang liga na magkakampeon ang Toronto Raptors sa pangunguna ni Kawhi Leonard.

Pagdating ng best-of-seven finals nitong Hunyo, pumusta rin ang inyong lingkod na magwawagi ang Raptors kontra Golden State Warriors, 4-2.

Pareho pong tama ang mga hula ko.

Ngayon, malakas ang pakiramdam ko na malapit nang makuha ng Pilipinas ang pinakaaasam na unang Olympic gold medal – ‘di man sa darating na 2020 Tokyo Olympics, pero nararamdaman ko, abot-tanaw na.

At ang tingin kong magbibigay ng first ever Olympic gold natin, ang gymnast na si Carlos Edriel Yulo.

Nakasungkit ng gold medal si Yulo sa paboritong men’s floor exercise sa 49th FIG Artistic World Championship 2019 sa Stuttgart, Germany nitong Sabado.

Naalala ko ilang buwan na ang nakalilipas, bisita sa isang sports forum ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Cynthia L. Carrion, nabanggit niya na malaki ang posibilidad na magmumula sa kanilang sport association ang unang gintong medalya ng bansa sa Olympics, at malamang si Caloy ang magdeliber nito.

Mukhang magdidilang-anghel po si Ginang Carrion.

Sana magdilang-anghel si Ma’am Cynthia.

Kasama po ako sa milyon-milyong Pinoy na nagdarasal na makuha na natin ang Olympic gold medal.

Kahit kanino manggaling ayos lang. Walang problema. Kay Caloy Yulo, kay pole vaulter EJ Obiena o si Hidilyn Diaz sa weightlifting.

Sama-sama tayong magdasal na gabayan sila ng Panginoon patungo sa Olympic gold.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy