Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1M virus bakuna donasyon pa ng China

0 153

Nagbigay pa ang pamahalaan ng China ng 1 milyong dose ng Sinopharm vaccine para magamit ng Pilipinas at darating ang unang bulto nito ngayong Biyernes ng hapon.

Inanunsiyo ito ni Chinese Ambassador Huang Xilian nitong Huwebes kung saan inihayag ng opisyal na bahagi ito ng pangako ng kanilang pamahalaan na dagdagan pa ang supply ng bakuna para sa Pilipinas.

Sinabi pa ng opisyal na ang naturang donasyon at mga parating pa na karagdagang Sinovac vaccine ngayong buwan ay makatutulong para madagdagan ang supply ng bakuna ng Pilipinas.

“China was the first country to provide vaccines to the Philippines and the primary partner who has since the very beginning prioritized vaccine export to the Philippines,” pahayag ni Huang. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.