Una sa Balita

1M tawag dinedma: Rayver, Janine nag-away sa ML

0 790

Binuking ni Janine Gutierrez na sobrang adik sa la­rong Mobile Legend ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz. Ang ML daw ang minsan na dahilan kung bakit minsan ay nagkakaroon sila ng tampuhan.

Minsan daw kasi ay ilang beses na tinatawagan ni Janine si Rayver, pero dedma raw ito dahil naging abala ito sa paglaro ng ML.

“Kasi ang hirap eh. Hindi ko na nga siya tinatawagan kasi mga one million times na nangyari na tinatawagan ko siya, ‘yon pala nasa gitna sila ng clash, so namatay siya. So bad trip na siya kaya hindi na ako tumatawag,” natatawang kuwento ni Janine.

Pero nag-promise raw si Rayver kay Janine na para hindi na ito magtampo, ide-delete na niya ang ML sa kanyang phone.

“Ayaw mo pala ‘yan eh, sige ide-delete ko na. Never ako na-bad trip ‘pag si Janine ang tumatawag sa akin,” lambing na pangako ni Rayver kay Janine. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More