Una sa Balita

1M overvote nasayang sa bilang sa Senado

0 182

HIGIT sa isang milyong overvotes sa halalan sa pagka-senador sa nakaraang May 13 midterm elections ang nasayang matapos na hindi ito bilangin ng vote counting machines (VCMs).

Ayon sa report ng ABS-CBN, kabuuang 1,170,331 balota ang sobra ang ibinoto kaya’t hindi ito binilang ng VCM dahil naging invalidate ang balota.

Hanggang 12 kandidato lamang sa pagka-senador ang maaaring tanggapin ng VCM at kapag sumobra ito ay invalidate na ito.

Itinuturong dahilan ang kalituhan dahil sa 13 senatorial candidate ng Hugpong ng Pagbabago, walo sa Otso Diretso at lima sa PDP-Laban.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy