Una sa Balita

1M katao pinalilikas sa malupit na Hurricane Florence sa US

By
0 152

Nagpatupad ng mandatory evacuation ang otoridad sa milyong kataong naninirahan sa South at North Carolina sa Estados Unidos dahil sa paparating na Hurricane Florence.

Dahil sa lakas na aabot ng 220 kph kaya’t itinuring itong Category 4 storm, inaasahang lalakas pa ang Hurricane Florence sa Category 5 sa Martes bago ito tumama sa North o South Carolina sa Huwebes.

“Please be prepared, be careful and be SAFE!” tweet ni President Donald Trump nitong Lunes nang gabi.

Ipinag-utos na ng South Carolina gover­nor ang paglikas ng mga naninirahan sa baybayin simula sa Martes, kung saan inaasahang isang milyong katao ang mag-aalisan sa kanilang bahay. Nag-utos naman ng mandatory evacuation ang governor ng Virginia sa mga naninirahan sa coastal areas.

Posibleng tamaan naman ng malakas na bagyo ang isang dosenang nuclear powe­r plant, mga pit na iniimbakan ng coal-ash at iba pang industrial waste at sangka­tutak na hog farms

Pinayuhan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na nakatira sa nasabing lugar na maging handa sa paparating na malakas na bagyo.

Partikular na ina­bisuhan ni Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ang may 150,000 Filipino Community sa Virginia, North Carolina, at South Carolina, na maapektuhan ng Hurricane Florence.

Ang mga Pilipino na maiipit sa emergency situation na nanga­ngailangan ng tulong ng embahada ay maaaring tumawag sa (202) 368-2767.